Mas malupit na kulitan ang naganap sa loob ng bahay! Nagsimula ang ibang uri ng mga biro kung saan pasimuno sina Jason at Pepe nang sinubukang uminom mula sa arinola. Samantala, si Empoy naman ang nagpakitang gilas sa entablado bilang isang "superhero" na namatayan ng alagang isda. Sino ang mas malupit sa komedya?
Isang tawag mula kay Meme Vice Ganda ang natanggap ng kanyang mga "sidekicks." Sunod sa utos ni Vice, sumugod ang kanyang mga kawal at nagpasabog ng katatawanan. Samantala, ang naging bida naman sa "Lights, Camera, Action!" ay si Jerald kung saan gumanap siya bilang instruktor ng aerobics na nagpagawa ng mga kakaiba at nakakatawang eherisyo sa mga kasama niyang komedyante.
Habang lumilipas ang oras, patindi nang patindi ang pagpipigil ng mga natitirang kalahok sa loob ng bahay. Gumamit ng mga props gawa sa plastic si Pepe para sa kanyang mga patawa habang si Chad naman ay nagpanggap na "beauty queen". Ilang sandali pa lang ay pumula na naman ang bahay. Sino ang susunod na mapapatawan ng red card?