Pasok na sa lungga mga vakla! Nandito na ang “Drag Lord” Manila Luzon, kasama ang kanyang “Drag Dealer” Nicole Cordoves, at “Drag Runner” Sassa Gurl Sassa. Sa loob ng (8) walong linggo, walong (8) Drag Queens ang magpapasiklaban at magapapasa-vogue ng kani-kanilang talas, galing, at ganda para kilalanin ang pinakunang Pinoy Drag Supreme ng Pilipinas.
Namumutawi ang kagalakan sa looban. Tuloy-tuloy ang paglalakbay ng mga Drag Queens sa patimpalak na walang halong pangamba at sa iba pang mga Palarong Pambansa na nakaantabay. At dahil sa hindi mapipigilang kasiyahan, sinubukan ng Drag Lord ang mga Drag Queens kung may maganda bang dulot ang mga tinanim na epektus.
Nagsisimula na ang tensyon sa pagitan ng mga Drag Queens. May ungkatan ng nakaraan at napag-usapan ang dating hidwaan nina Lady Gagita at O-A. Hindi rin mapigilan ng iilan sa Drag Queens na kumampi at pumagitan sa dalawang nagsasabong. Dagdag pa dito, ang masamang balak ni Sassa Gurl na susubok sa mga Drag Queens kung paano sila makitungo sa isa’t isa. Tunay nga ba silang swissters o mga sabotahe?
Ang Drag ay hindi lamang saya, palamuti, at ganda. Kailangan din maisabuhay ng mga Drag Queens ang kanilang kahandaan at kagalingan sa paghatid ng mga magandang mensahe, lalo na kung nagmula sa iyong Source. Sa ganap na ito, mas tumingkad ang boses ng mga Drag Queens bitbit ang iba't-ibang panawagan at adbokasiya kagaya ng pangmamata sa isyu ng AIDS at pagsasantabi sa karapatan ng mga kababaihan.
Pahinga muna ang mga Drag Queens sa kompetisyon. Magbalik-tanaw tayo sa ilang mga magagandang karanasan at mumunting alaala na nakatago sa baul. Ang palabas na ito ay patotoo kung bakit mahalaga ang sining ng Drag sa Pilipinas. Sa huli, ang ating Top 3 Drag Queens ay magpapasiklaban gamit ang kani-kanilang talas, galing, at ganda para kilalanin ang pinakaunang Pinoy Drag Supreme ng Pilipinas.
Hindi naging madali ang tinahak na tadhana ng mga Drag Queens para makamit ang tunay na tagumpay, ikaw ba naman mag-10-inch heels, trew?! Tampok dito ang kanilang National Costume, Swimwear, Long Gown at syempre - Q and A. Sa wakas, kasama ng mga ilan pang pinatawag na bisita ni Kapitana sa looban, matutunghayan at makokoranahan na ang kauna-unahang Pinoy Drag Supreme ng Pilipinas.
Nasalakay ang lumang lungga ng mga bakla, pero may bagong magbubukas. Dadalhin namin kayo sa cyberpunk bangketa ng ating “Drag Lord” Manila Luzon, kasama ang kanyang “Drag Dealer” Nicole Cordoves, at “Drag Runner” Sassa Gurl. Sa loob ng walong linggo, sampung Drag Queens ang magpapasiklaban at magapapasa-vogue ng kani-kanilang talas, galing, at ganda para tanghaling susunod na Pinoy Drag Supreme.
Shet! May matatanggal! Gulantang ang mga bakla sa bagong pasabog ni Manila Luzon. Nagsisimula nang mamuo ang tensyon sa pagitan ng mga Drag Queens sa pagpasok ng ikalawang linggo ng kompetisyon. May hiraman ng kasuotang naganap, at hindi inaasahan ang naging reaksyon ng mga bakla rito. Simula na ng drama mga accla, kaya upo na kayo.
Gabi ng lagim sa loob ng Drag Den dahil hindi ganda ang labanan, kundi takutan! Matakot kaya ng mga queens ang guest judge na global drag superstar na si Alaska Thunderfuck sa kanilang interpretasyon ng Pinoy Pamahiin at Horrorscope? Samantala, haharapin na rin ni Margaux ang isang malagim na nakaraan.
Tagisan na ng talakan ang labanan ngayong semi-finals. Hindi na sapat ang pabonggahan ng statement swimwear at Power Pinay looks, dahil kailangan na rin nilang ilabas ang talas ng kanilang dila at bilis ng pag-iisip tungkol sa iba’t ibang topics. Mapabilib kaya nila ang cartel at ang “captain”, Golden Globe nominee Dolly de Leon?
3 queens finally embark on the last leg of their journey to take home the coveted Drag Supreme crown. This is their last chance to impress the drag cartel with their beauty, wit and talent. This round will be an overdose of charm, camp and comedy as they take that final “psyche-den-lic” trip to crowning glory.