Pagkatapos makakuha ng di-maintindihang device mula sa arms dealer na si Merelli, itinuloy na ni Atoy ang misyon niya sa liblib na isla, habang sinusundan ng isang guro.
Nagbalik si Merelli sa Cogon Island, kaya napilitan si Atoy na mag-improvise nang wala ang strike team niya. Sinikap ni Elaine na makilala pa ang kapitbahay niya.
Nakita ni Atoy na kuwintas lang niya ang nalwan sa bahay ni Elaine. Sa Baclaran, ipinagtanggol niya ang kinakapatid na si Karla-at hinarap ang tatay niya, si Delfin.
Nagbalik ang mga alaala ni Atoy nang bumisita siya sa tahian ng pamilya niya at sinikap na ayusin ang ugnayan sa ama. Isang sagradong estatuwa ang ninakaw.
Nang maparatangang siya ang nagnakaw sa sagradong estatuwa, gumawa si Atoy ng sariling imbestigasyon para matukoy ang totoong salarin at linisin ang pangalan niya.
Makalipas ang walong taon, naging master cutter sa lugar nila si Atoy, at ipinagpatuloy ang tradisyon ng pamilya niya sa pananahi. Pero hindi pa tapos ang laban niya.
Matapos iligtas ang batang mandurukot sa pagkalunod, nagbago ng isip si Atoy at sumumpang tutulungan siyang hanapin ang kaibigang bigla na lang nawala.
Habang hinahanap ang nawawalang kaibigan ni Ibyang, nakilala ni Atoy si Tonet, ang magandang bagong saltang dumating sa patahian at naghahanap ng kuwartong mauupahan.